University of the Philippines Centennial Song

At last..I got to have a copy of the UP Centennial Song..

Mabuhay ang mga Iskolar ng Bayan!

UP Ang Galing Mo!

Narito kami nagpupugay
Sa unibersidad ng aming buhay
Ikaw pa rin ang binabalikan
‘Di pa rin malilimutan
Ikaw ang UP naming mahal

Salamat sa iyong mga guro
Salamat sa inyong pagtuturo
Taglay niyo ang kahusayan
Taglay niyo ang karunungan
Hinubog niyo kami sa kabutihan

Sandaang taon na tayo
Lagi ka pa rin sa aming puso
Kaya’t kami sumasaludo
UP ang galing mo!
UP ang galing mo!

Wala nang iba pang maihahambing
Sa talino mo’t angking galing
Daanin man sa siyensya
Hi-tech man o kahit ano pa
Ikaw UP ang nangunguna

Sa iyong mga dugo ang kasaysayan
Dumaloy sa pag-unlad ng ating bayan
Sagisag ka ng kagitingan
Bandila ka ng kalayaan
Pag-asa ka ng mamamayan

Sandaang taon na tayo
Lagi ka pa rin sa aming puso
Sandaang taon na tayo
UP ang galing mo!
UP ang galing mo!

Sandaang taon na tayo
Dangal ka ng Pilipino
Sentro ka ng pagbabago
UP ang galing mo!

Sandaang taon na tayo
UP ang galing mo!
UP ang galing mo!

Bookmark the permalink.

Comments are closed.